| |
Group's posts with tag: angono
Grabe na talaga ang kabuktutan sa mundo. MALI na nga ang ginawa ng NPC sa mural na ipininta ng mga alagad ng sining ng Angono, asus ka tapang pang magdadaldal ng presidente ng NPC na wala naman sa katwiran. Porke ba't binayaran nila ang naturang mural ay may karapatan daw silang gawin kung ano man ang naisin nila sa naturang mural. Kahit pa raw sunugin nila ang mural ay wala ng magagawa ang mga artists. kung sabagay magandang suhestiyon yun. Tutal binaboy na nila ang mural siguro nga ay dapat sunugin na lang ang painting! Pero kung susunugin nga ang naturang mural, bago ito sindihan nararapat na ibalot muna dito ang hunghang na nagsabing karapatan nilang gawin kung ano ang naisin nila sa mural- kasama na ang pagsunog nito. Hala sige mga kapatid sa sining SINDIHAN NA YAN!
| | |
|
|