hindi po ito art exhibit, or competition, ang aking "note" ay tungkol sa isang event sa Cubao Expo, yung GIANT GARAGE SALE po, sa Sabado, May 17, 2008, 10am-6pm. Baka lang kasi po maging interesado po kayong lahat na dumalo't makihalubilo, baka din po may mga mahanap kayong samting or oder na mura at katuwa-tuwa din. Masaya po yung Part 1 (Feb 16), & Part 2 (noong May 3), itong Part 3 ay siguradong mas masaya kasi dati yung entrance side lang ang pinuno namin ng nagbebenta, ngayon Entrance & Exit sides ng Cubao Expo ay lahat may magbebenta ng kani-kanilang mga sariling gamit na di na nila kinakailangan, o di na importante sa kanila, pero sa mga katulad nating nakakahanap ng ganda't may kabuluhan sa lahat ng bagay, ay baka makakapagdulot ng ubod na saya sa ating mga simpleng puso, sa sobrang murang halaga.
Sana po ay magkita-kita tayo doon!
CUBAO EXPO* MEGA-GARAGE SALE
MAY 17, 2008
SATURDAY, 10AM-6PM
*ang Cubao Expo ay ang dating Marikina Shoe Expo. ito po ang "link" ng mapa papunta doon:
http://bagsonmymind3.multiply.com/photos/album/21/MAP#1